Monday, 31 December 2012

HI BESTEST! HAPPY ANVERSARY, I LOVE YOOOUUUU!

It's been a year...

*I'll post everything in tagalog so that I can express everything I want*

After 366 days, eto ulit ako!!! Hi bestest!! Thankyou sa lahat, hindi ko ineexpect na ganito tayo tatagal nun.. akala ko kasi iiwan mo din ako tulad ng iba kong nakilala sa internet, na after 2-3 months bigla nalang ako makaka-limutan. Well, mali pala ako. Kasi ikaw na bestest yung pinaka-super nag-tagal kong nakilala dito. :)

Pano nga ba tayo nagkakilala? As far as I could remember, april yon. April 5? Or 6? Basta, vacation yun eh. Magthi-third year ako, tapos ikaw 2nd year. Tapos yun, friend ko kasi si Wilmer tapos nagkaka-usap kami nun sa twitter. Nagulat ako kasi pamaya-maya, may nag-follow sakin.. "@xtianmusni" hahaha! Eto yung alam kong una mong username bestest nung nagka-kilala tayo. Tinignan ko yung mutual followers and everything tapos nalaman ko ngang related ka kay Wilmer so finallow na din kita. Nag-thankyou pa nga ako sa'yo nun (nag-tweet) kasi finallow mo ako. Tapos ayun, usap usap. Nag-plan pa nga tayo mag-ym nun! Tapos sabi ko "Sige, maliligo lang ako", kaso pagkaligo ko... dumating na sila mommy sa bahay kaya di na rin natuloy..

Meron din palang time na sobrang kinukulit mo ako.. tinanong yata kasi kita kung may tumblr ka, tapos hindi mo alam yun. Tapos ako naman tong ayaw ko talagang sabihin para kulitin mo ako tapos para maging close tayo, hahaha. Kusa ko nang binigay yung number ko sayo nun para magkakilala talaga tayo! (Seryoso, gusto talaga kitang makilala mabuti) Tapos ayun, hanggang sa text kinukulit mo ako. Tanong ka ng tanong kung ano bang meron sa tumblr. Naaaalala ko pa, nanunuod ako ng Mr.Bean nung magka-text tayo nun, tapos sinabi mo nga na mas gusto mo yung animated na Mr.Bean kesa dun sa totoong Mr.Bean, hahaha!

So, friends na tayo nun! Friends na, wala lang. Yung parang, "Ay si Allie! Oo, siya yung nakaka-usap ko sa twitter." ganun ganun line lang. Tapos Christmas 2011 na!!! Sa sobrang saya ko nun, di ko mapigilang di bumati.. Eh nakita kita sa timeline ko, so yun. Binati na din kita!!! Hindi ko alam pero nung mga panahong magkausap tayo nun, sabi ko sa sarili ko "Ay, gusto ko pa siya makilalang mas mabuti. Sana maging close kami nito." Nagkaroon pa tayo ng tawagan nun, ikaw si "Sir" tapos ako si "Boss" (Minsan "Ma'am" pa, hahaha!). Ayun, edi after Christmas.. naputol nanaman ang communication and everything. New Year's eve, sabi ko babatiin ulit kita para maging close na tayo. Buti ang bait mo!!! Pinansin mo ako, tapos ayun sobrang tagal nating magka-tweet nun. Yung umabot pa sa puntong ma-tweet limit tayo, hahahaha.

Kaso nung malapit na mag-new year, biglang di ka nalang nag-tweet. Since gustong gusto ko talagang maging kaibigan ka!!! Tinext kita.. hoping na yun pa din yung number mo. Eh sa sobrang swerte ko, yun pa din pala yung number mo! Nag-reply ka kasi tinawag nanaman kitang "Sir", ayun magka-text tayo tapos pamaya-maya di ka nanaman sumagot. Edi inisip ko nalang na baka busy ka or ayaw mo talaga akong kausap... new year na! After namin mag-saya sa labas, pumasok kagad ako sa room ko para kunin phone ko. Gusto kasi kita batiin, edi yun. Tinext ata kita ng "Sir, happy new year po! :)" sobrang tagal ko naghintay ng sagot mo nun, kaso kinabukasan ka na yata sumagot.

January 1 na!!! Hindi ko alam pero eto yung alam nating date na naging bestestfriends tayo diba? Sa pagkaka-tanda ko, ako yung nag-alok para maging bestfriend mo (See, sobrang gusto talaga kita maging kaibigan?). Syempre siguro nahihiya ka namang tumanggi sakin nun kaya pumayag ka. Tapos ayun nga!! Sobrang saya ko nun kasi bestfriends na tayo nun. Lagi na tayo magka-text nun, lagi na tayo magka-usap. January 4, may pasok na kami. Birthday ni daddy to kaya naaalala ko talaga, magka-text tayo nun. Early dismissal pa nga kami nun eh, sakto naubusan ka ng load. Di ka na unli nun, edi ako naman 'tong dahil sa sobrang gusto ka maka-usap... pina-loadan kaagad kita. Hahaha! Ang dalas kong ganito sa'yo nun, tapos ikwekwento mong may nag-load sa'yo. Tapos ako naman tong si nagmamaang-maangan. :)

Ewan ko na ba kung ano pa yung mga sumunod na nangyari.. Birthday mo na? Edi ayun, binilhan kita ng birthday card tapos tshirt nun. Kaso hindi ko talaga maipadala! Ewan ko ba, hanggang sa nawala na yung card tapos kinuha na ni mommy yung tshirt mo. Dinahilan ko nalang na na-kuha ko lang sa classroom namin yun. Naaalala ko na eh yung nung February 22, nung magka-usap kayo ni Yell!!! Yung may pag-asa and everything ka ba sakin. Hahaha. Akala ko mage-end na yung friendship natin nun eh, kasi bigla ka nalang di na nagparamdam. Buti nasolusyunan, buti hanggang ngayon.. bestestfriends pa din tayo. Lagi tayo magka-tawagan nun, naka-plan ka na kasi niyan!! Di na kita malo-loadan. Hahaha.

Tapos nung birthday ko naman, ako 'tong sobrang down na down. Kasi walang bumabati sakin, feeling ko sobrang worthless ko nung mga panahong yun.. March 26 to March 27, magka-text tayo. Hinihintay talaga yung birthday ko. Tapos sobrang haba ng text mo sakin nun, napa-iyak ako. Sabi ko sa sarili ko "Thankyou Lord kasi binigay niyo po siya sakin, kahit siya nalang. Sobrang saya ko na po sakanya. Sana po ganito kami lagi, wag niyo na po siyang kukunin ha? Thankyou po ng marami sakanya." Recognition day din namin nung birthday ko diba? Nag-expect din ako nun eh, akala ko pupuntahan mo ako sa school tapos isusurprise. Hahaha, pero nganga. Wala rin din naman pala (Okay lang naman, haha). Ikaw din, ang lungkot lungkot mo nun kasi di ka na-first honor dahil sa transferee rule ng school niyo nun.

Edi ayan! Vacay and everything na, lagi na tayo magkausap nun. Ang saya-saya lang, hahaha. Tapos ako naman na din 'tong na-fall sa'yo. Hanggang sa sobrang sakit na nung dumating si Ky tapos yung isa pa sa'yo kaya sabi ko sige magtatapat na rin ako, kahit ano mangyari okay lang. Ayun, syempre hindi mo tinanggap.. kasi nga diba bestestfriends tayo? Sobrang sakit sa feeling ko nun, (ayan! naiiyak tuloy ako) kasi akala ko gusto mo din ako nun. Pero di naman pala. Sabi ko sa sarili ko, kakayanin ko nalang. Makaka-move on din naman ako after time, kesa naman sa mawala ka sakin. Buti tinanggap mo, naging bestestfriends pa din ulit tayo. Tapos diba end of may dapat mag-out of the country kayo? Di natuloy, tapos june na natuloy.

After mo maka-uwi na dito, june 7 yata yun eh. Ayun nung una, ang close close pa din natin. Tapos biglang di ka na nagpa-ramdam.. yung itetext kita tapos hindi ka naman magrereply. Nung una iniisip ko nalang na baka busy ka, baka may ginagawa ka lang kaya di ka maka-reply. Nagt-tweet din yata ako nun sa'yo, makikita kong may ka-tweet ka tapos di mo ako nirereplyan. Sabi ko nalang, baka ayaw mo na sakin. Kaya di ka na nagpapa-ramdam. Edi ayun, tinanggap ko. Na baka ganun na nga siguro talaga na hanggang dun nalang yung friendship natin, nung una naiiyak ako. Kasi sobrang miss kita nun, hindi na ko sanay na hindi ka ka-text. August yata yun, nung nag-text ako sa'yo. Basta X-factor yun!!! Nung nag-tweet ka ng parang pancit canton yung buhok ni Charice. Tinext yata kita ulit nung gabing yun, hoping na bumalik tayo sa dati.

Eh nag-reply ka!! Alam mo ba kung gano ako kasaya nung mga panahong yun? Sobrang saya ko kasi nagka-usap ulit tayo. Nag-wish ako nun, na sana bumalik tayo sa dati. Na sana magka-usap ulit tayo. Tinupad naman ni God yung wish ko, nagka-usap nga ulit tayo. Yung madalas/araw-araw ulit. Tapos yun nga, hanggang ngayon ganito pa din tayo..

Bestest, wag ka na magbabago ha? Sana ganito nalang tayo forever. Ayoko na mawala ka pa sakin. Kahit minsan nagseselos ako kay... kilala mo na. Sana wag mo ako ipag-palit dun! Ayoko masayang yung 366 days nating nabuo. Pero may promise ako sa'yo, hanggang mag-end of the world; PROMISE, BESTESTFRIENDS PA DIN TAYO! Sana kung gano kita pinahahalagahan, ganun ka din sakin. Sorry sa kahapon ha? Feeling ko tuloy ang sama-sama kong bestestfriend dahil dun.. :( Babawi ako talaga sa'yo, pag di ko na kasama sila mommy at daddy. Gulat ka no? Nag-post na ko sa blog na 'to ngayon!!! Hinihintay ko kasi talaga yung anniversary natin para mag-post dito.

Kasi ikaw yung nag-ayos ng blog ko na 'to eh, kaya gusto ko... tungkol sa'yo din yung first post ko. Sorry sobrang haba na nito ha? May pahabol pa 'to, wag ka mag-alala. Happy anniversary bestest! Sana forever bestestfriends na tayo and sana dumating na yung panahon na magkita na nga talaga tayo. I love you bestest! Sobrang thankful ako dahil nakilala kita. Ang dami kong natutunan sa'yo, parang teacher na nga din kita eh. Haaay, lahat na nasayo bestest. Haha! Sana ma-appreciate mo kahit ganito lang yung surprise ko sa'yo. Yes!!! Eto na yung sinsabi kong surprise sa'yo, sorry ha. Eto lang.. pagtyagaan mo na! Kapag nalang magkasama na tayo tska ako babawi ng sobra sobra!

HAPPY ANNIVERSARY BESTEST! SANA GANITO NA TAYO FOREVER. I LOVE YOU AND WAG MO KAKALIMUTAN NA LAGI LANG AKO NANDITO PARA SA'YO HA? MWAAAA! :* LOVE YOUUU. ;)

Eto, pakinggan mo 'to. http://dw4.convertfiles.com/files/0636311001356913932/hi.mp3 =)))) Hintayin mo, may ka-sunod pa 'to sa tumblr. Hintay lang. Hahahaha! Happy anniversary bestest, I love you to bits! Ps: Sobrang hina niyan, kailangan mo mag-earphones para marinig. Hahaha. Secret kasi yan ;)

No comments:

Post a Comment